
Riot na katatawanan at may kapupulutang aral ang handog ng Dear Uge noong Linggo!
Sa August 29, 2021-episode na pinamagatang "Tom, Dick, and Gery," nakilala ang childhood best friends na sina Tom (Benjamin Alves) at Dick (Mike Tan).
Bata pa lang sina Tom at Dick ay close na ang dalawa kaya hanggang sa pagrenta ng bahay sa Maynila ay magkasama sila.
Sa inuupahang bahay ay kasama nila si Alex (Dave Bornea). Nagdesisyong umalis si Alex sa bahay dahil lagi silang nagkakaasaran ni Dick lalo na kapag lasing ito. Lagi din kasi siyang inuutakan ng magkaibigan lalo na pagdating sa mga gastusin sa bahay.
Sa pag-alis niya sa bahay, humanap sina Tom at Dick ng kapalit ni Alex.
Ang kapalit ni Alex, ang pinsan niyang si Gery (Myrtle Sarrosa) na may evil plan pala.
Hindi alam nina Tom at Dick na sinetup lang sila ni Alex para makaganti.
Tila naka-jackpot ang dalawa nang dumating ang bagong tenant nilang si Gery dahil, bukod sa sexy na ito, magaling pang magluto kaya madaling naakit ng babae ang mag-best friend.
Parehong na-fall sina Tom at Dick kay Gery na dahilan para sila ay mag-away at masira ang kanilang friendship.
Patuloy na subaybayan ang kwentuhan sa Dear Uge kasama si Eugene Domingo, tuwing Linggo, 3:35 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA.
Kung nais ninyong balikan ang episodes ng Kapuso sitcom, bisitahin lang ang GMANetwork.com o GMA Network app.