What's on TV

Dear Uge: Jennylyn Mercado, makakatambal si Clint Bondad ngayong Linggo

By Cherry Sun
Published November 12, 2018 5:14 PM PHT
Updated November 12, 2018 5:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan allows Jinggoy to have knee X-ray in private hospital
Alex Eala achieves new career high as world No. 18
LTO suspends license of rider who kicked traffic cone in Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News



Makakatambal ni Jennylyn Mercado ang Filipino-German actor at boyfriend ni Catriona Gray na si Clint Bondad sa muling pagbida ng Kapuso Ultimate Star sa 'Dear Uge' ngayong Linggo, November 18.

Makakatambal ni Jennylyn Mercado ang Filipino-German actor at boyfriend ni Catriona Gray na si Clint Bondad sa muling pagbida ng Kapuso Ultimate Star sa Dear Uge ngayong Linggo, November 18.

Gaganap si Jennylyn bilang ang photographer na si Sandy. Iha-hire siya ni Brent, character ni Clint, para sa gagawin nitong proposal.

Sa kasamaang palad, tatanggihan si Brent ng kanyang girlfriend. At kahit naudlot ang engagement, tuloy pa rin daw ang trabaho ni Sandy bilang photographer ni Brent.

Maguguluhan si Sandy pero dahil binabayaran naman siya ni Brent, tuloy ang kanyang trabaho bilang isang photographer. Pero, paano kung hindi lamang litrato ang ma-develop kung 'di pati feelings nila para sa isa't isa?

Isa na namang romantic-comedy ang dapat niyong abangan sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa. Tutok na sa Dear Uge ngayong Linggo, November 18!