GMA Logo dear uge recap
What's on TV

Dear Uge: Labandera, may criminal client?

Published November 23, 2021 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran protests abate after deadly crackdown, Trump says Tehran calls off mass hangings
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

dear uge recap


Matagal nang nagmamasid si Vito sa labanderang si Donita pero ang kanyang target, ang kliyente nitong si Eva na drug lord pala.

Riot na katatawanan ang handog ng Dear Uge noong Linggo, November 2.

Sa nakaraang episode ng Dear Uge na pinamagatang "Isang Bala Ko Lang," naimbyerna si Donita (Klea Pineda) matapos maubos ang mga kliyente niya dahil sa mga nagsulputang laundromat sa lugar nila.

Nalutas naman agad ang problema ni Donita nang makilala niya ang gwapo at mabait niyang kliyente na si Vito (Rocco Nacino) na bago sa kanilang lugar. Naka-jackpot na sana Donita pero laking gulat niya nang matagpuan niya ang isang bala sa bulsa nito.

Tingin tuloy ni Donita, kriminal,at mamamatay-tao si Vito gaya ng sinasabi ng isa pa niyang kliyenteng si Eva (Tuesday Vargas).

Pero ang totoo, sinisiraan lang ni Eva si Vito para rito mabaling ang akusasyon dahil siya ang tunay na kriminal.

Hindi naman nakaligtas si Eva dahil nagkamali siya ng kinalaban dahil si Vito ay undercover agent kaya matagal na niyang minamanmanan si Eva na isang drug lord.

Nakatulong pa si Donita kay Vito para mahuli ang masamang loob kaya naman, sa huli, nagkamabutihan ang dalawa.

Patuloy na subaybayan ang kwentuhan sa Dear Uge kasama si Eugene Domingo tuwing Linggo, 3:35 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA.

Kung nais ninyong balikan ang nakaraang episodes ng Kapuso sitcom, bisitahin lang ang GMANetwork.com o GMA Network app.

Para sa mga Kapuso abroad, mapanonood ang latest episodes ng Dear Uge sa GMA Pinoy TV! For more information, visit www.gmapinoytv.com