GMA Logo david licauco and thea tolentino
What's on TV

'Dear Uge Presents:' Thea Tolentino versus David Licauco sa isang takong race

By Cherry Sun
Published November 19, 2018 2:10 PM PHT
Updated May 18, 2021 1:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya surrender not admission of guilt but legal strategy, says lawyer
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry Finals 

Article Inside Page


Showbiz News

david licauco and thea tolentino


Tampok sina Thea Tolentino at David Licauco sa “Isang Takong, Isang Sagot” episode ng 'Dear Uge Presents' ngayong Linggo.

Maiipit si Loida (Thea Tolentino) sa pagpili sa pagitan ng kanyang dream business at pag-ibig para kay Andrew (David Licauco) sa kuwentuwaang pinamagatang “Isang Takong, Isang Sagot” sa Dear Uge Presents ngayong Linggo, May 23.

Isang shoeaholic, namana ni Loida sa kanyang ama ang isang shoe factory. Pero, manganganib ang kanyang negosyo dahil sa isang abusadong money lender.

Gagawin ni Loida ang lahat ng kanyang makakaya para maisalba ang kanyang business at dito niya makikilala ang negosyanteng si Andrew.

Magkakaroon ng deal sina Loida at Andrew, at kabilang dito ay isang takong race. Sa paglaban ni Loida para sa kanyang shoe business, mukhang magwawagi rin siya sa puso ni Andrew.

Kaya ba nilang paghaluin ang pag-ibig at negosyo? Alamin 'yan sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge, ngayong Linggo, May 23.