GMA Logo dear uge
What's on TV

Dear Uge: Ulila, may bagong pamilya sa katauhan ng evil adoptive parent

Published October 12, 2021 6:18 PM PHT
Updated October 12, 2021 8:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DA creates watchdog for FMR monitoring
Alleged Dawlah Islamiyah leader, bomb expert killed in military ops
Marian Rivera's new bag charm is from an Italian fashion house

Article Inside Page


Showbiz News

dear uge


Inampon ni Madame Hussein si Amante para may makasama siya sa kanyang malaki at magarang mansyon. Ngunit ang kakaiba sa pangangalaga ng bagong ina ng binata, lahat ng bawal, puwede gawin!

Riot na katatawanan at may kapupulutang aral ang handog ng Dear Uge noong Linggo, October 10.

Sa nakaraang episode ng Dear Uge na pinamagatang "Ampon ng Kadiliman," nakilala ang happy-go-lucky na si Amante (Jamir Zabarte).

Lumaki siya sa isang ampunan kaya naman kulang sa pagmamahal ng isang magulang.

Kahit binata na, may nagka-interes kay Amante na ampunin at ito ay si Madame Hussein (Maureen Larrazabal).

Pabor kay Madame Hussein ang pagiging pasaway ni Amante. Gustung-gusto pa niya ito kapag ito ay gumagawa ng masama.

Kaya naman magagalit siya nang nakilala ni Amante si Angelica (Zonia Mejia) na nagpabago sa magaspang na ugali ng binata.

Ano kaya ang motibo ni Madame Hussein kung bakit ayaw niyang magbago ang ugali ng ampon?

Panoorin sa episode highlights clip na ito ng "Ampon ng Kadiliman."

Patuloy na subaybayan ang kwentuhan sa Dear Uge kasama si Eugene Domingo tuwing Linggo, 3:35 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA.

Kung nais ninyong balikan ang nakaraang episodes ng Kapuso sitcom, bisitahin lang ang GMANetwork.com o GMA Network app.