
Wagi ang Dear Uge sa 40th Catholic Mass Media Awards (CMMA).
Ibinahagi ni Eugene Domingo, host ng nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa na Dear Uge, na ang kanyang programa ay kinilala bilang Best Comedy Program sa naturang parangal.
“Maraming, maraming, maraming salamat!!! #gmanetwork #loyalviewers every Sunday po tayo,” sambit niya sa kanyang post.