
Sa nakaraang episode ng Delayed Justice, lumabas na ang article na isinulat ni Samuel (Bae Sung-woo) tungkol sa paglilinis ng pangalan ni Douglas Kim at nabasa ito ng Chief Justice.
Nalaman din ng Chief Justice na mayroon nang permiso sina Tyron (Kwon Sang-woo) at Atty. Hwang na makita ang mga record sa kaso ni Douglas noon.
Napag-alaman naman nina Tyron, Atty. Hwang, Samuel, Douglas, at ng dating police officer na ang tunay na suspek sa likod ng truck murder case na si Jimmy Lee ay naging model volunteer na.
Kabilang sa mga kabutihang-loob na kanyang ginawa ay ang pagpapaligo sa mga matatanda at pagbibigay ng sampung porsyento ng kanyang suweldo sa isang bahay ampunan sa loob ng 10 taon.
Bukod dito, iba't ibang medalya pa ang natanggap ni Jimmy dahil sa kanyang mga nagawang kabutihan.
Nang dahil sa bagong impormasyon na ito, kinailangan nilang mag-isip ng bagong plano.
Makamit kaya nila ang hustisya para kay Douglas Kim? Huwag palampasin ang Delayed Justice tuwing Linggo, 5:30 p.m., sa GTV.
Panoorin ang Delayed Justice at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.