
Sa nakaraang episode ng Delayed Justice, tumawag si Captain Han kay Tyron upang sila ay makapag-usap.
Sa pag-uusap ng dalawa, pinakiusapan ni Captain Han si Tyron na kitain ang isang detective na mayroong kinalaman tungkol sa Osung truck murder. Kapalit nito ay ang kikitain naman ng una ang suspek sa likod ng nasabing kaso.
Sa pagkikita ni Captain Han at ng suspek, tinanong ng dating police officer kung bakit nagsinungaling ang huli tungkol sa kinaroroonan ng kutsilyo na ginamit sa nangyaring krimen noon.
Nalaman naman ng pulisya ang pagkikita nina Captain Han at ng suspek. Siniguro naman ng isang detective ang pulisya na hindi na mahahanap ang kutsilyo.
Nang magkita si Tyron at ang detective, binigay ng abogado sa huli ang maliit na notebook na pagmamay-ari ni Captain Han at naglalaman ito ng detalye tungkol sa anak ng huli at sa na-frame up na suspek na si Douglas.
Hindi naman napigilan na maging emosyonal ng detective matapos basahin ang mga nakasulat tungkol sa Osung truck murder case na kanilang pinagtrabahuhan ni Captain Han noon.
Abangan ang maiinit na tagpo sa Delayed Justice tuwing Sabado, 12 noon, at Linggo sa oras na 5:30 p.m. sa GTV.
Panoorin ang Delayed Justice at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.