GMA Logo will ashley, mika salamanca, yasser marta, vince maristela, jemwell ventinilla
PHOTO COURTESY: @vincemaristela, @jemwellv (Instagram)
What's Hot

'Delivery Boi' cast show fun moments behind the scenes

By Dianne Mariano
Published September 6, 2026 1:34 PM PHT
Updated September 6, 2026 5:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Leo, inamin na ang matagal na pagtingin kay Aya! | Barangay Love Stories
KALURKS!: Aiai Delas Alas at Kim Ji-soo, makakasama sa chismisan! (Episode 1 Teaser)
Kelsey Merritt, Alex Eala share a hug at New York Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

will ashley, mika salamanca, yasser marta, vince maristela, jemwell ventinilla


Puno ng good vibes at saya ang behind-the-scenes moments ng cast ng upcoming Kapuso series na 'Delivery Boi.'

Kaabang-abang ang isa sa mga bagong handog na serye ng GMA na Delivery Boi, na pagbibidahan ni Will Ashley.

READ: Will Ashley, excited nang makatrabaho ang co-stars sa 'Delivery Boi'

Sa Instagram post ng GMA Drama, ipinasilip ang ilang behind-the-scenes photos sa set ng nasabing serye, na kuha ng ilang cast.

Makikita rito ang fun moments nina Will Ashley kasama ang co-stars na sina Mika Salamanca, Yasser Marta, Vince Maristela, at Jemwell Ventinilla.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)


Mapapanood din sa serye ang mga premyado at batikang aktor na sina Eric Quizon, Keempee De Leon, Meryll Soriano, at Maricar de Mesa.

Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras noong Agosto, ibinahagi ni Will na marami siyang natutuhan mula sa kanyang co-stars sa Delivery Boi.

“Working with them, isa pa po 'yon talaga sa sobrang nakapagpagaan sa pakiramdam ko kasi siyempre ang dami na po nilang napagdaanan sa mga ganitong genre.

“So ang dami po nilang natuturo sa akin at ang dami kong napupulot na aral sa kanila,” pagbabahagi niya.


Bukod dito, sumailalim din si Will at iba pa niyang co-stars sa safety in riding seminar at motorcycle training bilang paghahanda sa kanilang gagampanang roles.


READ: 'Delivery Boi' star Will Ashley and co-stars undergo safety in riding seminar and training


RELATED CONTENT: Will Ashley's milestones through the years