
On the way na siya!
Mas maagang darating ang Delivery Boi na pagbibidahahan nina Will Ashley at Mika Salamanca sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
Matutunghayan ang advanced online premiere nito sa October 17, exclusively on GMA Play.
Iikot ang kuwento ng Delivery Boi sa young, street-smart delivery rider na si Roberto “Boi” Ragasa (Will Ashley), na magbibigay-inspirasyon sa kapwa delivery riders sa pamamagitan ng kanyang kabutihan sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.
Hangad ni Boi na pag-isahin ang komunidad ng mga delivery rider dahil sa kanyang malasakit sa kapwa at paninidigan sa katotohanan.
Panoorin ang exclusive online premiere ng Delivery Boi, October 17 sa GMA Play!
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.