GMA Logo Will Ashley, Vince Maristela, Mikoy Morales, Gio Alvarez
PHOTO COURTESY: GMA News (YT)
What's Hot

'Delivery Boi' star Will Ashley and co-stars undergo safety in riding seminar and training

By Dianne Mariano
Published July 26, 2026 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No autopsy for girl who died after allegedly hit with notebook
Farm to Table: Ihawan festival with Hershey Neri, Sugar Mercado, and Robb Guinto
5 Travel behaviors shaping 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley, Vince Maristela, Mikoy Morales, Gio Alvarez


Sumailalim ang 'Delivery Boi' actors na sina Will Ashley, Mikoy Morales, Vince Maristela, at Gio Alvarez sa safety in riding seminar para sa kanilang roles sa upcoming serye.

Puspusan ang paghahanda ng Kapuso stars na sina Will Ashley, Mikoy Morales, Vince Maristela, at Gio Alvarez para sa upcoming serye na Delivery Boi.

Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, sumabak sina Will, Mikoy, Vince, at Gio sa safety in riding seminar upang mas maging makatotohanan ang kanilang pagganap bilang riders sa serye.

Sumalang din sa training ang cast sa pagmamaneho ng automatic at manual na motor. Ibinahagi ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Second Big Placer ang kanyang natutunan mula sa naganap na seminar at training.

“Natutunan ko today, siguro 'yung mga tamang way ng pagmamaneho, lalo na kapag nasa kalsada at maraming kasabay. At saka natutunan ko 'yung kumpiyansa sa sarili, sa pagmo-motor kasi ako dati pa, gusto ko talaga mag-motor e,” pagbabahagi ni Will.

Natutuwa naman si Vince sa karanasang ito dahil dagdag kaalaman ito para sa kanila.

Aniya, “Very excited ako sa experience na 'to kasi kakaibang knowledge rin 'yung natututunan ko e.”

Bukod dito, kaabang-abang din sa serye ay kung paano ilalahad ang buhay ng delivery riders.

“Kung papaano talaga 'yung the goodness in their job and also the hardships that they have to go through everyday. It's a very, very good concept,” ani Gio.

Abangan ang Delivery Boi, soon sa GMA.

Related gallery: Will Ashley's career wins after his 'Pinoy Big Brother' journey