
Ngayong Father's Day, may espesyal na bonding si Denise Barbacena at ang kanyang ama.
Dahil nga may limit pa rin ang ilang services sa mga barbero at salon ngayong GCQ, naisipan nilang maggupit na lamang ng buhok sa bahay.
Pero bago pa man magsimula ang kanilang haircut session, ibinahagi ni Denise ang ginagawa ng kanyang ama para masuportahan siya sa kanyang YouTube channel.
"Iniiwan niya na naka-play yung video kahit hindi niya pinapanood kasi gusto lang ni Papa madagdagan 'yung views ko."
Bukod sa haircut, may Q&A pa ang mag-ama tungkol sa iba't ibang subjects.
Panoorin ang video ni Denise kasama ang kanyang tatay: