GMA Logo Denise Barbacena and Carlos Velasco
Celebrity Life

Denise Barbacena, ikinasal na sa kanyang non-showbiz partner

By EJ Chua
Published October 4, 2023 4:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Denise Barbacena and Carlos Velasco


Kasal na si Doc Eula ng 'Abot-Kamay Na Pangarap' este si Denise Barbacena!

Ikinasal na ang Sparkle star na si Denise Barbacena sa kanyang non-showbiz partner na si Carlos Romeo Velasco.

Isang very beautiful bride si Denise sa isa sa mga espesyal na araw ng kanyang buhay.

Sa Instagram, ilang larawan ang ibinahagi ng actress-singer, kung saan makikita ang kanyang look noong araw ng kanyang kasal at ang kanyang wedding gown.

Ang kanyang gown ay mula sa Mark Bride's Manila at ang kanya namang mga larawan ay kuha ng Team Benitez Photo.

A post shared by Denise Barbacena (@denisebarbacena)

Ginanap ang pag-iisang dibdib nina Denise at Carlos noong Biyernes, September 29, 2023.

Bago ang kanilang kasal, ilang prenup photos nila ang ibinahagi ni Denise sa kanyang Instagram account.

A post shared by Denise Barbacena (@denisebarbacena)

A post shared by 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐁𝐞𝐧𝐢𝐭𝐞𝐳 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨 (@teambenitezphoto)

Samantala, kasalukuyang napapanood ang Sparkle star sa nangungunang GMA drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Kilala si Denise sa serye bilang si Doc Eula Sarmiento, ang isa sa mga kaibigan ng karakter ni Jillian Ward na si Doc Analyn Santos.