GMA Logo denise barbacena
What's Hot

Denise Barbacena, pinuri dahil sa kanyang bagong single na 'Last Thing I'd Do'

By Aimee Anoc
Published May 1, 2022 3:54 PM PHT
Updated May 1, 2022 4:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

denise barbacena


Kasama ni Denise Barbacena sa music video ng "Last Thing I'd Do" ang 'Widows' Web' actor na si Anjay Anson.

Umami ng papuri mula sa netizens ang kauna-unahang single ni Denise Barbacena sa ilalim ng GMA Playlist, ang "Last Thing I'd Do."

Marami rin ang natuwa at naka-relate sa music video ng "Last Thing I'd Do" kung saan kasama ni Denise ang Widows' Web actor na si Anjay Anson.

Sa apat na minutong music video, mapapanood sina Denise at Anjay bilang isang couple. Dito, ipinakita rin ni Denise ang pagiging komedyante at aktres.

Sa pamamagitan ng "Last Thing I'd Do," nais ni Denise na makapagbigay ng init at pagmamahal sa mga taong makaririnig at makapapanood nito ngayong patuloy pa rin ang pandemya.

Aniya, "Ang goal to offer something na people can still feel love and hope. This song, hopefully the audience, the people who will get to watch the video or listen to the song will somehow feel like that."

Panoorin ang music video ng "Last Thing I'd Do" dito:

Patuloy na mapapakinggan ang "Last Thing I'd Do" sa digital music platforms worldwide.

Samantala, mas kilalanin si Kapuso singer-actress Denise Barbacena sa gallery na ito: