
Naglabas na ang GMA Network ng kanilang summer launch plug na nagsisilbing teaser ng lahat ng magiging bagong shows na lalabas ngayong summer.
Kabilang na dito ang Tadhana kung saan magsisilbing host si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, ang bagong adisyon sa GMA Afternoon Prime na D' Originals at ang pinakahihintay na Filipino remake ng Korean hit series na My Love from the Star.
Si Kapuso singer and actress Denise Barbacena naman ang umawit ng very catchy jingle na Kulayan Natin Ang Summer.
Bukod dito, si Denise rin ang tinig ng official theme song na GMA Telebabad series na Destined To Be Yours.
Silipin ang summer 2017 launches ng GMA:
MORE ON DENISE BARBACENA:
Destined To Be Yours: Tadhana by Denise Barbacena (Official Music Video)
Playlist Extra: Denise Barbacena has a message for her "destiny"