GMA Logo Denise Barbacena and Yasser Mata
PHOTO COURTESY: denisebarbacena and itsyassermarta (IG)
What's on TV

Denise Barbacena, Yasser Marta nag-tie bilang winners sa 'The Cash: Back To The '80s' ng 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published April 21, 2022 10:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Denise Barbacena and Yasser Mata


Parehong nagwagi sina Kapuso stars Denise Barbacena at Yasser Marta sa “The Cash: back to the '80s” ng 'TBATS!'

Sa unang pagkakataon, nagkaroon dalawang winners sa ginanap na “The Cash: Back to the '80s” ng The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo (April 17).


Ang guest Cashers na sina Denise Barbacena at Yasser Marta ang mga itinanghal na grand champions sa pinakamasayang asaran sa kantahan, kung saan tampok ang iba't ibang sikat na mga kanta noong 1980s.

PHOTO COURTESY: denisebarbacena and itsyassermarta (IG)

Matatandaan na unang sumalang sa first round sina Kapuso actor-athlete John Vic De Guzman at comedian na si Pepita Curtis at inawit nila ang “Sweet Child o' Mine” ng American rock band na Guns 'N Roses.

Kinanta naman ng tandem nina The Clash alum Jennie Gabriel at stand-up talent Ian Red ang “Love of My Life” ng bandang Queen.

At syempre, ipinalamas din nina Denise at Yasser ang kanilang galing sa kantahan nang awitin nila ang “Nothing's Gonna Stop Us Now” ng bandang Starship.

Matapos ito, tinawag nina TBATS hosts Boobay at Tekla sina Jennie, Pepita, John Vic, at Ian para tumayo sa gitna ng stage, kung saan inilahad ng comedy duo ang isang malaking twist.

Ang Mema Squad ang pasok bilang judges para sa susunod na round habang sina Denise at Yasser ang mga maglalaban sa final round.

Sa huling labanan, inawit ng Bubble Gang star ang iconic na kanta ni Madonna na “Material Girl” at kinanta naman ng Kapuso heartthrob ang “Every Breathe You Take” ng The Police.

Nagbigay naman ng mensahe sina Denise at Yasser para sa isa't isa at sa kanilang kapwa Cashers bago sila itinanghal na grand champions.

Para sa mas marami pang tawanan at kulitan, patuloy na subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, balikan ang hottest “May Pa-Presscon” episodes ng TBATS noong 2021 sa gallery na ito.