
Bukod sa pagiging isang aktres, isa sa mga talentong ipinakita noon ng Prinsesa ng City Jail actress na si Denise Laurel ang galing niya sa pagho-host. Sa katunayan, naging VJ o video jockey siya noon para sa isang music channel, isang bagay na nadala niya sa pagho-host ng mga Korean pop o K-Pop fan meets.
Sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, January 20, ikinuwento ni Denise na 2010 pa lang ay fan na siya ng K-Pop at iba pang Korean artists. Ngunit dahil sa pagiging abala sa trabaho, ay hindi niya nagawa ang ilang mga hobbies niya.
“Pero nu'ng pandemic, I finally got time to watch TV again, to watch YouTube again, to listen to music because not only am I an actor, I'm also a mom so I really dedicate my time to just making sure I'm everything all at once,” sabi ng aktres.
Ayon kay Denise, dumadalo lang siya noong 2010 sa fan meets ngunit nang matapos na ang pandemic at nagsimula nang makalabas muli ang mga tao, inalok niya ang ilang Korean artists na maging host ng kanilang meet.
“Just for fun, I was like 'Hey, do you guys need a host? It's a hobby for me. Don't even pay, it's for fun. I just wanna have fun.' I know I can do it because I used to do music concerts back in the day and Studio 23 na mga VJ, party hosting, mga ganu'n,” pagbabahagi ng aktres.
Para kay Denise, ang ginagawa niyang pag-host ay bilang representative at messenger ng Pilipinas kaya naman sinisigurado niyang inaalagaan niya ang Korean stars na bumibisita sa bansa.
“So, what I'd like to do is I would take care of them and give them the full respect they deserve as if how I would like to be treated as an artist, Tito Boy. So, inaalagaan ko sila, I make them feel comfortable, I never touch, I always have space, very respectful of personal space, and my fellow fans,” sabi ng aktres.
TINGNAN ANG PINOY CELEBRITIES NA CERTIFIED K-POP FANS SA GALLERY NA ITO:
Nang tanungin siya ni King of Talk Boy Abunda kung sino ang kaniyang bias o hinahangaan K-Pop artist, aminado si Denise na hirap siyang mamili.
Aniya, “As a Denise, as a Libra, I see the best in everybody. You know, everybody has a something, the x factor, the charm, pero siguro instead of bias, 'yung pinaka na-starstruck na lang po ako was Cha Eun Woo.”
Sabi ni Denise, napaka-unreal umano ng Kpop star, at aakalain pa umano na AI o artificial intelligence image ang itsura ng Korean star.
“So mild-mannered, so professional, mas guwapo pa siya in person than how you see him on TV and he's very kind. Very professional, may pinagdadaanan siya nu'ng time na 'yun but he still powered through with his work and he's still delivering,” pagbabahagi ng aktres.