What's on TV

Dennis at Gene Padilla, inalala ang kanilang kulitang magkapatid

By Patricia Isabella Romarate
Published February 20, 2020 2:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Padilla Gene Garcia on Mars Pa More


Anu-ano ang mga naging away-kapatid nina Dennis at Gene Padilla?

Napa-reminisce ng childhood memories ang magkapatid na sina Dennis at Gene Padilla sa guest appearance nila sa Mars Pa More.

Ibinahagi nila sa segment na “Mars Sharing Group” ang moments na hindi nila malilimutan tungkol sa kanilang mga lumang litrato na naka-flash sa screen.

Photo courtesy of Dennis and Gene Padilla
Photo courtesy of Dennis and Gene Padilla

“Wala ako diyan, e,” agad na sinabi ni Dennis Padilla.

Paunang itinuro naman ni Gene na siya ang “nasa gitna na parang pumipito” at saka pinangalanan kung sinu-sino ang mga kabilang sa picture tulad ng kanilang kapatid na sina Glen, Richard, at iba pa.

Para kay Dennis, ang litrato ay nagpapaalala sa kanya ng simpleng buhay at mababaw na kaligayahan.

Habang kay Gene naman ay ang nakaka-enjoy nilang samahan.

Photo courtesy of Dennis and Gene Padilla
Photo courtesy of Dennis and Gene Padilla

Ayon kay Dennis Padilla, ang magandang halimbawa ng kanilang away-kapatid ay nangyayari tuwing umagahan.

“Kasi ang nanay ko, pag bumili ng pandesal yan, basta bawat bata may dalawa. Ngayon, pag nahuli kang nagising, yung pandesal mo na dalawa, may iba nang kumain. Ang problema, walang umaamin,” aniya.

Dagdag pa niya na nag-aaway rin silang magkapatid kapag naghihiraman ng pantalon.

“E, kasi ginamit mo, bagong laba. Tapos pagkatapos mong gamitin, hindi mo lalabhan-away yun,” paliwanag niya.

Bilang panganay na naunang nagkatrabaho at kumita, minsan na daw na naranasan ni Dennis ang maunahan nila Gene sa paggamit ng kaniyang mga pantalon na may tag pa!

Photo courtesy of Dennis and Gene Padilla
Photo courtesy of Dennis and Gene Padilla

Nagbiruan naman ang magkapatid pagdating sa kanilang portrait shots.

“Gene, alam mo, yung picture mo diyan, parang ex-convict ka diyan,” biro ni Dennis.

Dagdag ni Gene, “Alam mo, yung kilay ko diyan papunta na sa bangs.”

Tinuro naman ni Dennis ang kaniyang solo picture at sinabing, “Ayan, katabi ng mama ko, oh. Ako, pinaka-gwapo talaga bata pa kami.”

Nagbahagi din ang Kapuso hosts na sina Iya Villania at Camille Prats ng kanilang childhood photos at memories.

Panoorin na dito sa highlight episode ng Mars Pa More: