
Ilang linggo bago ang Mother's Day, may sweet message ang comedian na si Dennis Padilla para kay Dani Barretto, anak ng dating asawa na si Marjorie.
Nag-react ito sa Instagram post ni Dani noong April 23, kung saan makikita ang throwback photo ng social media influencer with her mom.
Komento ng comedian: “You are a great mother too… Miss you, anak.”
Agad naman tumugon si Dani, “Thank you, Pa!!!!!! Hope you're well! Stay safe always, please!”
Kita ang concern ni Dani sa reply nito kay Dennis na tinawag pa niyang Papa.
Kamakailan ay naibalita na dumaan si Dennis sa matinding pagsubok matapos itong tamaan ng COVID-19. Nakalabas ito ng ospital noong March 26, 2021.
Samantala, si Dennis ay nagsilbing stepdad kay Dani noong panahong kasal pa ito sa kanyang ina kung kaya't hindi katakataka na malapit ito sa komedyante.
May tatlong anak si Dennis kay Marjorie, sina Julia, Claudia, at si Leon.
Kilalanin ang ibang celebrities na tinamaan ng coronavirus disease 2019 sa gitna ng nararanasang surge sa gallery na ito.