
Game na game sa isang dance challenge sina Dennis Trillo at Vince Maristela.
Sa TikTok account ni Vince ay makikita na sumabak sila ni Dennis sa isang dance challenge. Ito ay sa kantang "If It's Lovin' That You Want" ni Rihanna.
Pero bago nagawa itong dance video ay nauna nang ipinakita sa social media page ng GMA Network na gustong makasama ni Vince si Dennis sa isang TikTok video. Naghintay pa si Vince para mabigyan ng pagkakataon na makasama si Dennis.
Sa huli ay nagtagumpay rin si Vince sa kanyang request na TikTok collaboration kasama si Dennis.
Sagot ni Dennis kay Vince nang sa wakas ay nagkausap na silang dalawa, "Sige ba!"
PHOTO SOURCE: @gmanetwork/ @vincemaristela
Panoorin ang kanilang TikTok dance video dito:
@vincemaristela With my boss atom @Dennis #lovebeforesunrise #fyp ♬ original sound - Marian Rivera
Mapapanood sina Dennis at Vince sa Love Before Sunrise, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.