
Sumabak na sa unang araw ng taping para sa upcoming romance drama series na Love Before Sunrise ang lead stars nitong sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at multi-awarded actress and box office icon Bea Alonzo.
Kasama nila sa first taping day ng serye ang co-stars na sina Nadia Montenegro, Sef Cadayona, Cheska Fausto at Vince Maristela.
Ayon kay Bea, iikot daw ang kuwento ng serye sa soulmates na hindi mapagsama ng pagkakataon.
"Right love at the wrong time--ganoon talaga. Minsan mayroon tayong mga TOTGA (the one that got away) so makaka-relate ang maraming tao sa istorya namin. It's about taking a leap for the one that you love," lahad ng aktres.
Samantala, kasalukuyan pa daw binubuo ni Dennis ang kanyang karakter.

Source: beaalonzo (IG)
"Ayon, medyo nangangapa pa. Ngayon hinahanap ko pa rin 'yung character. Unti-unti, nadi-discover ko siya habang ginagawa namin pa isa-isa 'yung mga eksena," paliwanag niya.
Ang Love Before Sunrise ay mula sa GMA Entertainment Group at ito ang pangalawang serye na bunga ng historic collaboration ng GMA Network at leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service na Viu.
SAMANTALA, SILIPIN ANG FIRST SCRIPT READING NG LOVE BEFORE SUNRISE DITO:
Panoorin din ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.