
Biyaheng norte ang cast at crew ng romance drama series na Love Before Sunrise.
Dumayo sila ng Atok, Benguet para mag-shoot ng ilang eksena sa tanyag na flower farms doon.
Kabilang ang lead stars na sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at multi-awarded actress and box office icon Bea Alonzo sa artistang kukuha ng eksena doon.
Kasama rin nila si series director Mark Sicat dela Cruz.
Nagbahagi rin si Dennis ng isang maikling video ng kanyang biyahe papunta sa Atok, pati na ng mga makukulay na bulaklak na lubos niyang nagustuhan.
Ang Love Before Sunrise ay kuwento ng dalawang taong paghihiwalayin ng magkakaibang sirkumstansiya ng kanilang mga buhay.
Sa muli nilang pagkikita matapos ang maraming taon, babalikan nila ang mga "what if" ng naudlot nilang relasyon.
Sa ika-11 linggo ng serye, lalayasan ni Czarina (Andrea Torres) si Atom (Dennis Trillo) matapos ang isang matinding pagtatalo tungkol sa kanilang anak.
Patuloy na sisisihin ni Roald (Sid Lucero) si Stella sa aksidente na naging sanhi ng pagkabaldado niya. Pilit namang hinahabaan ni Stella ang pasensiya as asawa kahit na minamaliit at sinasaktan siya nito.
Ang Love Before Sunrise ay collaboration sa pagitan ng GMA Entertainment Group at leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service na Viu.
Tunghayan ang Love Before Sunrise, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at Pinoy Hits. May same-day replay rin ito sa GTV, 10:50 p.m. Stream on Viu anytime, anywhere.