
Ipinasilip ni Dennis Trillo ang bago nilang investment ni Jennylyn Mercado matapos ang ilang taon sa showbiz.
Sa Facebook post ni Dennis noong Huwebes, March 12, proud na ipinakita ng aktor ang kanilang bagong bahay na future family home nila.
Makikita sa larawang ibinahagi ni Dennis na malapit na matapos ang pinapagawa nilang dream house na may tatlong palapag.
Sa kanilang site visit, kasama nila ang kanilang mag-aapat na taong gulang na anak na si Dylan Jayde.
Sulat ni Dennis sa caption, "Masarap sa pakiramdam kapag pinaghirapan."
Mayroon ding bahay-bakasyunan sina Dennis at Jennylyn sa Tanay, Rizal.
Huling napanood ang Kapuso couple sa GMA action-drama series na Sanggang-Dikit FR.
RELATED: Dennis Trillo and Jennylyn Mercado's rest house in the mountains is made of shipping containers