
Proud na ibinahagi kamakailan ng Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang larawan ng kanilang nabiling bahay sa Las Vegas, Nevada.
Ayon sa isang report, matagal nang nabili ng dalawa ang nasabing property pero ngayon lamang ito nai-turnover sa kanila.
Masaya naman ang fans ng DenJen sa bagong milestone na ito na kanilang nakuha pero marami rin ang nagtatanong kung lilipat na nga ba ang kanilang pamilya sa nasabing bahay sa Amerika?
Sa February 6 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, sa pamamagitan ng isang mensaheng ipinadala ni Dennis, ibinalita ng batikang host na si Boy Abunda sa segment na “Today's Talk” na hindi pa magma-migrate ang pamilya ng aktor sa kanilang bahay sa Las Vegas.
Ayon sa mensahe ni Dennis, “No, we are not migrating, we are just investing.”
Ang nasabing property ay matatagpuan sa Summerlin Residential Community sa Las Vegas Valley of Southern Nevada na may view ng Red Rock Canyon.
Bukod naman sa bahay sa Amerika, kasalukuyan ding nagpapagawa ng rest house sina Dennis at Jennylyn sa Tanay, Rizal.
Samantala, patuloy pa ring mapapanood si Dennis sa pinag-uusapang GMA Primetime series na Maria Clara at Ibarra bilang si Simoun.
Pagkatapos nito, muli namang mapapanood ang tinaguriang Kapuso Drama King sa live-action adaptation ng GMA ng Voltes V: Legacy. Magkakaroon din ng reunion project si Dennis at aktres na si Bea Alonzo sa isang bagong serye hatid ng GMA at ng Viu.
Nalalapit na rin ang comeback project ni Jennylyn matapos siyang magpahinga muna sa taping nang manganak sa anak nila ni Dennis na si Dylan noong April 2022.
SILIPIN ANG HAPPY FAMILY LIFE NINA DENNIS TRILLO AT JENNYLYN MERCADO SA GALLERY NA ITO: