GMA Logo Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, and their kids
Source: MSL Group
Celebrity Life

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, masayang makasama ang mga anak sa proyekto

By Kristian Eric Javier
Published March 24, 2026 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

4, patay sa away ng dalawang pamilya sa Iloilo City; 2 sugatan
Kodaline is coming to Manila for farewell tour
Fare hike for motorela in CDO OK’d

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, and their kids


Challenging man, masaya sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado makumpleto ang pamilya nila sa isang proyekto.

Aminado ang Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na masaya silang nakakasama ang mga anak na sina Calix, Jazz, at Dylan sa mga proyekto at endorsements nila, kahit minsan challenging ito para sa mag-asawa.

Nitong March 22 ay inilunsad na ang pinakabagong family endorsement nina Dennis, Jennylyn, at kanilang mga anak para sa juice brand na Tang.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa shoot na ginanap sa Cruz Residence sa Valley Golf, Cainta, ibinahagi ni Dennis na isa sa mga kailangan nila sa shoot kasama ang mga anak ay pasensya, lalo na at minsan wala sa mood ang mga ito.

“Siyempre 'yung toddler, minsan wala sa mood pero ayun, napakaimportante na bigyan mo lang siya ng time na maging komportable pero si Dylan naman, kapag naging comfortable na siya sa set, parang kahit ano, puwede mo nang ipagawa sa kaniya and ganu'n din sina Calix and si Jazz,” sabi ni Dennis.

Ito na umano ang ikalawang family endorsement nila, kaya naman masayang-masaya ang Kapuso Drama King na nabigyan sila ng pagkakataon na magkasama-sama sa isang proyekto.

Dagdag pa ni Jennylyn, masarap din sa pakiramdam ang makasama ang pamilya sa isang proyekto.

“Kapag nakasama mo 'yung family mo sa isang trabaho or sa show o sa commercial, ang saya ng pakiramdam na parang buo kayo, buo kayo, 'yung family mo, nadala mo sa workplace mo, so ang sarap ng feeling,” sabi ng aktres.

Bukod sa mood ng mga bata, isang challenge pa na nakikita ni Dennis ay ang pag-interrupt ng kanilang mga proyekto sa pag-aaral ng mga bata. Sabi ng aktor, kailangan kasing mag-absent ang mga ito at mag-make-up classes kapag may ginagawa silang project.

Ayon pa sa aktor, challenge rin ang sanayin ang kanilang mga anak sa mundo ng showbiz. “Pero bukod do'n, 'yung challenge siguro 'yung challenge na sanayin sila sa ganitong atmosphere, dito sa klase ng environment na ginagawa namin dito sa showbiz. Sila, hindi pa gano'n kasanay, pero natutuwa kami na paunti-unti, dahil dito sa mga endorsements at sa mga commercials, unti-unti nalalaman nila 'yung ginagawa namin, natututunan nila kung ano 'yung trabahong ginagawa namin.”

Pagbabahagi naman ni Jennylyn, dahil nga paiba-iba ang mood ng mga bata, laging may kaakibat na dasal tuwing sinasama nila ang mga anak sa projects.

“'Sana hindi magtantrums, sana makisama sila.' But masaya and I'm very thankful na mababait 'yung mga anak ko at every time naman na nagkakaroon kami ng endorsements or mga kailangang i-shoot, nakikisama naman talaga sila,” sabi ng aktres.

ALAMIN ANG SIKRETO NG BLENDED FAMILY NINA DENNIS AT JENNYLYN SA GALLERY NA ITO: