GMA Logo Dennis Trillo at Jennylyn Mercado
What's Hot

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, may pasabog mamaya sa '24 Oras'

By Marah Ruiz
Published October 29, 2021 2:29 PM PHT
Updated October 29, 2021 2:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado


Haharapin na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang mga kumakalat na balita tungkol sa kanila. Tunghayan ang kanilang exclusive interview mamaya sa '24 Oras.'

Sa unang pagkakataon, magsasalita na ang mag-nobyo at kapwa Kapuso stars na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado tungkol sa mga bali-balita tungkol sa kanila.

Nagpaunlak sina Dennis at Jennylyn ng eksklusibong panayam sa GMA's flagship news program na 24 Oras. Mapapanood ang kanilang interview ngayong gabi, October 29.

DenJen 24 Oras

Matatandaang napabalita na na-pack up ang taping ng upcoming teleserye ni Jennylyn na Love.Die.Repeat dahil 'di umano sa maselang kundisyon ng aktres.

Marami ring haka-haka kung ano ang mangyayari sa serye--kung papalitan ba si Jennylyn bilang lead actress o ihihinto muna ang produksiyon hanggang bumuti ang kanyang kundisyon at marami pang iba.

Napabalita ring namanhikan na si Dennis at ikakasal na raw 'di umano ang dalawa bago nila i-welcome ang kanilang anak.

Walang kumpirmasyon ang mga balitang ito mula kina Dennis, Jennylyn or sa produksiyon ng Love.Die.Repeat, liban sa statement ng manager ni Jennylyn na si Becky Aguila na nasa maayos na kundisyon ang aktres.

Kaya naman ngayong gabi, magsasalita na sina Dennis at Jennylyn para tuldukan ang mga ispekulasyon tungkol sa kanila.

Abangan ang kanilang exclusive interview mamayang gabi sa 24 Oras. Gamitin din ang hashtag na #DenJenReveal para mapabilang sa usapan online.

Tumutok din sa GMANetwork.com para sa mga updates tungkol kina Dennis, Jennylyn, at sa iba pang mga Kapuso stars.