Article Inside Page
Showbiz News
Masaya si Dennis Trillo dahil tinangkilik ang kanyang Cinemalaya film na 'The Janitor' sa gala screening nito sa CCP noong August 4. Masaya rin kaya siya dahil kay Jennylyn Mercado?
By SAMANTHA PORTILLO

Masaya si Dennis Trillo dahil tinangkilik ang kanyang Cinemalaya film na
The Janitor sa
gala screening nito sa CCP noong August 4. Masaya rin kaya siya dahil kay Jennylyn Mercado?
Sa premiere ng
The Janitor, present ang co-stars ni Dennis na sina LJ Reyes, Richard Gomez kasama ang asawang si Rep. Lucy Torres-Gomez at si Ricky Davao, na kasama rin sa New Breed entry na
Mariquina.
Nandoon rin ang mga opisyal ng GMA Network sa pangunguna ni Entertainment TV Senior Vice-President, Lilybeth Rasonable at ang mga director na sina Joel Lamangan at Jose Javier-Reyes.
Maging si Kapuso Primetime Queen, Marian Rivera, dumating rin bilang suporta hindi lang kay Dennis, kundi pati sa direktor ng
The Janitor na si Mike Tuviera.
Kuwento ni Dennis sa
24 Oras, “Masarap ‘yung pakiramdam na makagawa ng bago at malayo doon sa palagi mong ginagawa.”
Itinanggi rin ni Dennis ang mga bali-balitang nagkabalikan na sila ng dating kasintahan na si Jennylyn Mercado dahil nakita raw silang magkasama sa isang five-star hotel sa Ortigas.
Aniya, “Maayos naman kasi kami. Magkaibigan pa rin naman kami kaya siguro namimisinterpret ng mga iba. Akala nila, nagkabalikan. Hindi naman porke’t maayos na, ibig sabihin balik na kaagad sa relasyon, ‘di ba?”