
Matapos ang isang dekada, muling bibida sa primetime sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.
This time, sasabak sa maaksyon kwento ang mag-asawa, na kilala pagdating sa drama.
Gaganap sila bilang mga pulis sa bagong GMA Prime series na Sanggang-Dikit FR na mapapanod na ngayong Lunes, June 23.
Nag-training pa sina Jen at Dennis ng gun handling and safety at firing, kasama ang kanilang co-stars, para mas maging makatotohanan ang kanilang pagganap bilang pulis.
Ani Dennis sa panayam ng GMANetwork.com, "Kakaibang aksyon 'to dahil literal na maraming pasabog, barilan, at maraming mga eksena na siguro 'di n'yo pa nakikita na ginawa naming mag-asawa at first time n'yo makikita sa programa na 'to."
Hands-on din ang aktor pagdating sa kanyang stunts dahil ayaw niyang magpa-dobol hangga't maaari.
Dagdag ng MMFF 2024 Best Actor, "Every taping meron kami laging fight scenes. Eto nga lagi akong may mga sugat, galos--galing lahat 'yan sa mga fight scenes dahil siyempre 'di maiiwasan na ma-carried out away ka. At siyempre gusto mong pagandahin 'yung mga eksena at siyempre 'yung ibang stunts, gust mo ikaw na lang ang guamwa"
Nakaalalay din lagi si Dennis sa kanyang misis na si Jen.
Sabi pa niya, "Medyo ngayon lang ulit siya nagiging active at siyempre kailangang bantayan nang maigi, kailangang tutukan para mas maging kapani-paniwala ang mga eksena na ginagawa niya, at siyempre para mabantayan din ang kanyang safety habang ginagawa ang mga eksena na 'yon."
Bukod sa aksyon, marami raw makaka-relate sa kwento ng Sanggang-Dikit FR dahil tampok dito ang ilang isyu sa lipunan.
Ika ni Dennis, "Marami kaming mga interesting na kaso na kailangang bigyan ng solusyon at 'yung mga kaso na 'yun ay 'di namin alam na kaugnay din pala 'yun sa mga personal na buhay ng mga karakter namin sa serye."
Mapapanood ang Sanggang-Dikit FR weeknights, 8:50 p.m., sa GMA at Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa GTV sa oras na 10:30 ng gabi.
Ang Sanggang-Dikit FR ay mula sa direksyon ni L.A. Madridejos at mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group.
Related (embed gallery): What happened at 'Sanggang-Dikit FR' mediacon