Pagkatapos gampanan ang role ng isang sundalo sa 'Hiram na Alaala,' bibigyang buhay naman ngayon ng Kapuso actor na si Dennis Trillo ang isa sa mga miyembro ng tinaguriang Fallen 44 ng Mamasapano Clash para sa isang episode ng 'Magpakailanman.' By MICHELLE CALIGAN
Pagkatapos gampanan ang role ng isang sundalo sa Hiram na Alaala, bibigyang buhay naman ngayon ng Kapuso actor na si Dennis Trillo ang isa sa mga miyembro ng tinaguriang Fallen 44 ng Mamasapano Clash para sa isang episode ng Magpakailanman.
Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Dennis ng larawan niya bilang si PO2 Ephraim 'Bok' Mejia, ang police officer na lumaban para sa bayan, at para sa magandang kinabukasan ng kanyang pamilya.
Makakasama ng award-winning actor sa episode na ito sina Rhian Ramos, Mike Tan, Lovely Rivero, Mike Lauren, Vincent Magbanua, and Byron Ortile. Ito ay sa panulat at direksyon ni Albert Langitan.