
Personal na pupunta ang Kapuso actor na si Dennis Trillo sa Italy para sa 78th Venice International Film Festival kung saan kalahok ang kanyang pelikulang On the Job: The Missing 8.
Makakasama ni Dennis sa pelikulang idinerehe ni Eric Matti ang kapwa Kapuso stars na sina Rayver Cruz, Ina Feleo, Wendell Ramos, at Christopher de Leon.
"Inaayos na 'yung mga papers namin and malamang na pupunta ako," saad ni Dennis sa interview ni Cata Tibayan sa 24 Oras.
"Nakakatuwa na hindi lang magpe-premiere 'yung pelikula roon kung hindi kasali siya sa competition.
"'Yun pa lang na mapasama 'yung pelikula namin doon, sobrang reward na sa aming lahat."
Magaganap ang Venice International Film Festival mula September 1 hanggang 11.
Bago pumunta sa Italy, sinusulit muna ni Dennis ang enhanced community quarantine kasama ang kanyang nobyang si Jennylyn Mercado.
Kamakailan lang ay dumalo si Dennis at ang kanyang anak na si Calix Andreas sa ika-13 kaarawan ng anak ni Jennylyn na si Alex Jazz.
Tingnan ang modern family setup nina Dennis at Jennylyn dito: