
Kinatutuwaan ngayon sa social media ang kwelang workout hack ni Dennis Trillo.
Sa Instagram post ng Kapuso Drama King noong Sabado, August 9, ibinunyag niya ang kanyang sikreto sa kanyang fit na pangangatawan. Dito ay kasama niya ang kanyang asawa na si Jennylyn Mercado na siyang motivation niya para mag-workout.
Mapapanood sa comedic video na nakaabang ang striktong si Jen kay Dennis kapag humihinto ang kanyang mister sa pag-e-ehersisyo.
Sa huli, tila effective naman ang kanilang fitness routine nang ipakita ni Dennis ang kanyang flat tummy.
Sulat ng aktor sa caption, "Tag your gym buddy."
Biro ng netizens, sisipagin ka talaga mag-workout kasi kung hindi matatamaan ka talaga sa iyong misis.
Kasalukuyang napapanood sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa GMA Prime action series na Sanggang-Dikit FR, na comeback series nila matapos ang My Faithful Husband (2015). Ito rin ang una nilang soap bilang mag-asawa.
Ipinapalabas ang Sanggang-Dikit FR weeknights, 8:50 p.m., pagkatapos ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa GMA at Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa GTV sa oras na 10:30 ng gabi.
RELATED CONTENT: Photos that prove Jennylyn Mercado and Dennis Trillo are perfect for each other