GMA Logo Dennis Trillo
Source: dennistrilloph (TikTok)
Celebrity Life

Dennis Trillo channels inner Manny Pacquiao in this funny TikTok video

By Jimboy Napoles
Published March 1, 2024 1:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NLEX deploys more security after slingshot rocks hit buses at Balagtas exit
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo


Dennis Trillo strikes again! Panoorin ang bagong TikTok entry si Dennis Trillo kasama ang anak niyang si Dylan.

“Pakitago na ang cellphone ni Kuya Dennis.”

Isa lamang ito sa maraming komento ng netizens sa bagong TikTok video ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Patok kasi ngayon sa nasabing short-video streaming app ang mga funny at makukulit na video ni Dennis na ikinatutuwa ng marami dahil malayo ito sa kanyang imahe bilang isang award-winning actor.

Sa kanyang bagong video kasama ang anak nila ni Jennylyn Mercado na si Dylan, ginamit ni Dennis ang isang TikTok filter tampok ang mukha ng Filipino boxing champion na si Manny Pacquiao.

Dito ay kinanta ni Dennis ang isang linya sa awitin ni Manny na, “Gagawin ko ang lahat para sa'yo.”

@dennistrilloph I'll do anything for you, you know! #pacman #fyp #foryoupage #goodvibesonly ♬ original sound - Jovell Guds

Makikita naman sa reaksyon ni Dylan ang pagtataka sa pagbabago ng itsura ng kanyang Daddy Dennis.

“Gulat si baby Dylan sa mukha ng dad nya biglang nag-iba hahaha,” komento ng isang netizen.

Sa isa pang video, kay Dylan naman ipinasubok ni Dennis ang Manny Pacquiao filter.

“Ok last na 'toh promise!” caption ni Dennis.

@dennistrilloph Ok last na 'toh promise! #fyp #foryoupage ♬ original sound - Jovell Guds

Sa ngayon, mayroon nang 1.4 million followers si Dennis sa TikTok. Ang ilan sa kanyang mga viral video ay mayroon na ring mahigit sa 7 million views.

Huling napanood si Dennis sa Kapuso series na Love Before Sunrise kasama sina Bea Alonzo, Andrea Torres, at Sid Lucero.