What's on TV

Dennis Trillo earns praise for 'Magpakailanman' performance

By Nherz Almo
Published July 21, 2019 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DFA press briefing (Mar. 6, 2026) - Replay | GMA Integrated News
Jason Fernandez On Playlist
GMA Radio Awards One Million Peso Winner of Resibo Panalo Promo

Article Inside Page


Showbiz News



Dennis Trillo is highly commended for his performance in "Patawad, Ama Ko" episode of 'Magpakailanman.'

Umani ng papuri ang husay sa pagganap ni Dennis Trillo sa episode ng Magpakailanman na pinamagatang “Patawad, Ama Ko,” nitong Sabado, July 20.

Sa naturang episode, ginampanan ni Dennis ang karakter ni Samuel, isang probinsyanong may sakit sa pag-iisip na naging sanhi ng isang napakalagim na krimen.

IN PHOTOS: Si Dennis Trillo sa isang natatanging pagganap sa 'Magpakailanman'


Ayon sa mga nakapanood, mahusay na nagampanan ng Kapuso Drama King ang role niya bilang isang taong may schizophrenia.

Sa katunayan, ang ilan sa pa sa kanila ang nagsabing pang-Best Actor award ang naging performance ni Dennis sa Magpakailanman.

Samantala, may ilan namang sumaludo sa ginawa ng Magpakailanman dahil sa aral na naibigay ng July 20 episode sa mga manonood.