What's Hot

Dennis Trillo, excited ipakilala sa mga manonood ang kanyang role sa pelikulang 'Mina-Anud'

By Maine Aquino
Published August 21, 2019 2:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation constructs bridge in Rodriguez, Rizal
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo excited ipakilala sa mga manonood ang kanyang role sa pelikulang Mina Anud


Ibinahagi ni Dennis Trillo kung bakit dapat abangan ang kanyang karakter na si Ding sa 'Mina-Anud.'

Nitong August 19, ginanap sa Greenhills Theater Mall ang celebrity screening ng Mina-Anud na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Jerald Napoles.

Dennis Trillo
Dennis Trillo


Ang celebrity screening ay dinaluhan ng cast, members of the press, at guests para ipakilala ang kanilang pelikula na closing film ng Cinemalaya 2019.

Ang Mina-Anud ay isang tropical crime comedy film na based on true events. Ito ang directorial debut ni Kerwin Go.

Nagpahayag ng pasasalamat si Dennis sa suportang kanilang natanggap sa pelikula.

"Sa lahat ng nandito, sobrang thankful ako dahil talagang sinuportahan nila... lumabas sila para suportahan ito."

Ikinagulat din ng aktor ang dami ng mga dumalo sa kanilang screening. "Hindi ko inaasahan na magiging ganito karami yung tao ngayong araw na ito. Sobrang thankful ako sa kanila."

Ipinaliwanag ni Dennis na dapat abangan ang kanyang portrayal ng karakter na Ding sa Mina-Anud.

"Ako si Ding. Kami ay 'yung ilang tao na pinagkakitaan yung ilegal na pagkakataon na dumating. Abangan ninyo kung ano mangyayari sa characters namin."

Kakaiba umano si Ding sa ginagampanan na mga karakter ni Dennis dahil gusto niyang may inihahandog siyang bago mga manonood.

"'Yun 'yung gusto ko palagi. Laging nag-iiba yung ino-offer sa TV man o sa pelikula."

Mapapanood na ang Mina-Anud sa mga sinehan simula ngayong August 21.