GMA Logo Dennis Trillo, Alden Richards
Source: Raymond Ignacio/aldenrichards02 (Instagram)
What's on TV

Dennis Trillo, excited nang maka-eksena si Alden Richards sa 'Pulang Araw'

By Jimboy Napoles
Published March 20, 2024 3:19 PM PHT
Updated July 3, 2024 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo, Alden Richards


Abangan ang tapatan ng aktingan nina Dennis Trillo at Alden Richards sa 'Pulang Araw'.

Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama sa isang drama series ang dalawa sa pinakamahuhusay na aktor ng GMA na sina Dennis Trillo at Alden Richards.

Sa 24 Oras noong Martes, inanunsyo na kabilang na si Dennis sa historical drama na Pulang Araw. Dito ay unang beses siyang gaganap na kontrabida bilang isang malupit na sundalong hapon na magpapahirap sa karakter ng mga bida kabilang si Alden.

Ayon kay Dennis, excited na siyang maka-eksena si Alden dahil hindi niya pa ito nakakatrabaho sa isang drama project.

Aniya, “Excited akong magkaroon kami ng eksena ni Alden, syempre, siya 'yung hindi ko pa talaga nakaka-eksena sa mga ganitong drama, ganun. Nakatrabaho ko siya sa mga variety shows, pero, ayun excited ako doon, paghahandaan ko ang eksena na 'yon.”

Natutuwa rin si Dennis na makakasama niya muli sa Pulang Araw ang kanyang co-stars noon sa Maria Clara at Ibarra na sina Barbie Forteza at David Licauco. Gayundin ang kaniyang leading lady sa Cain at Abel na si Sanya Lopez.

“Syempre excited akong ma-reunite kay David at Barbie, kay Sanya, nakatrabaho ko na rin dati,” ani Dennis.

Ayon pa sa aktor, matagal na niyang hinihintay ang mabigyan ng ganitong klaseng karakter sa isang malaking proyekto.

Aniya, “Matagal ko na rin hinihintay itong ganitong klaseng project, ganitong kabigat na character ngayon naman as a kontrabida.

“May konting pressure pero mas doon ako sa importansya sa pagkakaroon ko ng challenge bilang artista. Sa rami [na] ng nagawa ko, kailangan ko ng isang mabigat na role na mag-iisip ako at pag-iisipan ko bawat kilos, bawat galaw, bawat dialogue, excited ako sa ganun.”

Ang Pulang Araw ay sa ilalim ng direksyon ni Dominic Zapata at sa panulat ni Suzette Doctolero.

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: The most notable television roles of Dennis Trillo