
Gaganap si Kapuso Drama King Dennis Trillo bilang kambal sa isang episode ng real life drama anthology na #MPK o 'Magpakailanman.'
Bibigyang-buhay niya ang kuwento ng kambal na sina Michael at Lucas.
Bilang identical twins na magkasalungat ang personalidad, madalas silang maikumpara sa isa't isa. Dahil dito, lalaki silang tila magkaribal.
Lalo pang iigting ang kanilang tunggalian nang ikasal si Michael kay Melissa, karakter naman ni Rhian Ramos.
Mamamagitan kasi si Lucas kina Michael at Melissa. Magpapanggap si Lucas bilang si Michael para makuha si Melissa.
Matutuklasan ni Melissa ang panlilinlang na ito, pero tila huli na ang lahat dahil nagbunga na ang kanilang engkuwentro.
Ito na ba ang sisira sa pagsasama nina Michael at Melissa?
Tunghayan ang "Kakambal Kong Ahas," July 2, 8:15 p.m. sa #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: