
Isang 'di matatawarang pagganap na naman ang hatid ni Kapuso Drama King Dennis Trillo sa upcoming GMA Telebabad series na Legal Wives.
Ang Legal Wives ay ang kauna-unahang cultural drama na maglalahad ng buhay at pag-ibig ng mga Mranaw.
Gaganap dito si Dennis bilang si Ismael, isang lalaki na mula sa mayaman at respetadong pamilya.
Magkakaroon siya ng tatlong asawa, na papakasalan niya para sa iba't ibang dahilan.
Ang unang asawa niya ay si Amirah (Alice Dixson) na pakakasalan niya bilang pagtupad ng obligasyon sa kanyang pamilya.
Iibig naman siya kay Diane (Andrea Torres), isang Kristiyano, at pakakasalan niya ito sa ngalan ng tunay na pagmamahal.
Sa 'di inaasahang pagkakataon, magiging pangatlong asawa niya si Farrah (Bianca Umali) para protektahan ito mula sa isang malagim na trahedya.
"Grabe 'yung stress na dinala sa kanya noong sitwasyon na 'yun (having three wives). Bumilib din ako noong binabasa ko 'yung script, doon sa character--kung papano niya nakayanan at nalagpasan 'yung mga pagsubok na pinagdaanan niya," pahayag ni Dennis tungkol sa kanyang karakter.
Marami pang pagdadaan si Ismael na magbubukas ng isipan ng mga manonood tungkol sa makulay na kultura ng mga Mranaw.
Kaya abangan si Dennis at ang karakter niyang si Ismael sa world premiere ng Legal Wives. Malapit na ito sa GMA Telebabad!
Balikan ang unang araw ng lock-in taping ng Legal Wives sa gallery na ito: