
Abangan ang premiere ng Juan Happy Love Story sa May 16, sa GMA Telebabad!
Ready na si Kapuso actor Dennis Trillo sa kanyang role bilang si Juan sa upcoming GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story.
Ayon kay Dennis, ito na raw ang naughtiest role na nagawa niya.
WATCH: Ang mapanuksong video in Dennis Trillo
"Oo, ito na 'yun. Nakagawa na ako ng mga naughty roles sa pelikula pero siguro, ito na 'yung pinaka [naughty]. And nakakapagtaka na dito ko pa siya magagawa," kuwento ni Dennis sa piling miyembro ng media, kasama na ang GMANetwork.com.
Para sa kanyang role, pinagbasehan raw niya ang kanyang sariling kapilyuhan.
"Hindi ko na kailangan mag-research masyado para dito sa role kasi hindi naman siya ganoon ka seryoso. Puro siya kalokohan. Puro siya mga fantasies," paliwanag niya.
Bukod sa mapusok ngunit may halong comedy na tema ng palabas, hanga din si Dennis sa pagkakaprisinta nito para sa mga manonood.
Marami kasing mga eksenang nagaganap lang sa mga imahinasyon ng mga tauhan, at ipinapakita ito sa gamit ng kakaibang paggamit ng ilaw at mga camera techniques.
WATCH: Juan Happy Love Story Happy ending ba ang hanap mo
"Nakakatuwa rin dahil 'yung treament ng mismong show [at] 'yung show itself. Parang ngayon lang sila makakapanood ng ganitong show na may ganoong klaseng treatment and presentation," ani Dennis.
Makakasama ni Dennis sa Juan Happy Love Story si Heart Evangelista, Joross Gamboa, Kim Domingo at marami pang iba. Abangan ang premiere nito sa May 16, sa GMA Telebabad!
MORE ON DENNIS TRILLO:
Anong pakiramdam ni Dennis Trillo kapag hinahalikan si Heart Evangelista
Dennis Trillo hanga sa pagsali ni Jennylyn Mercado sa triathlon