What's on TV

Dennis Trillo, ibibigay ang talent fee sa production staff at crew ng 'I Can See You: Truly. Madly. Deadly'

By Dianara Alegre
Published October 15, 2020 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo


Dahil ilang buwang nawalan ng trabaho ang TV workers na nakasama ni Dennis Trillo para sa bago niyang seryeng 'I Can See You: Truly. Madly. Deadly,' nagdesisyon siyang i-donate sa kanila ang kanyang talent fee.

Balik-tambalan ang real life sweethearts na sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Ultimate Star Jennylyn Mercado para sa seryeng “Truly. Madly. Deadly.” na bahagi ng drama anthology na I Can See You.

Makakasama nina Dennis at Jennylyn sa serye si Kapuso Sweetheart Rhian Ramos.

I Can See You Truly Madly Deadly

Nang makapanayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Dennis na kakaibang DenJen ang mapapanood ng viewers sa bago nilang serye.

“Very happy and very looking forward kami du'n sa mga eksenang ginawa namin kasi kahit kami nagugulat... dahil hindi 'yun 'yung mga nakasanayan namin na eksena na pa-sweet sweet lang.

“May makikita kayong iba rito sa kwento na 'to,” aniya.

Sa muling pagsabak ni Dennis sa trabaho ay muli niyang nakasama ang ilang TV workers na ilang buwang nawalan ng proyekto dahil sa COVID-19 pandemic.

Dahil dito, nagdesisyon umano siyang i-donate ang bahagi ng kanyang talent fee para sa “Truly. Madly. Deadly.” sa lahat ng production staff at crew na nagtrabaho para rito.

“Sila talaga 'yung babad sa trabaho. Sila 'yung pinakamaagang gumigising at bukod du'n, sila pa rin 'yung pinaka-late na natutulog.

“Kumbaga para sa akin, artista, sila na 'yung pinakamagaan na trabaho sa set, e. So, para maibalik lang ba 'yung gratitude tsaka appreciation sa lahat ng mga trabaho at ginagawa nila,” anang aktor.

Samantala, dahil sa ilang buwang community quarantine ay nagkaroon ng pagkakataon si Dennis at Jennylyn na mas maalagaan ang kanilang mga anak na sina Jas at Calix.

At kahit naka-quarantine ay masaya pa rin naman umano nilang ipinagdiwang ang ilang mahahalagang okasyon sa kanila.

“Siguro ito talaga 'yung panahon na nangyayari talaga 'yun. Siyempre magkakasama kayo palagi, 'yung bond n'yo sa isa't isa tumitibay. Mas marami kayong chance na mag-spend ng oras sa isa't isa.

“Kaya kahit papano, kahit malungkot itong mga panahon na 'to, mina-maximize pa rin namin siya at lagi namin mina-maximize 'yung brighter side of things, brighter side of life,” sabi pa ni Dennis.