
Kinumpirma ng Kapuso actor na maayos na ang lagay ni Jennylyn matapos ito mawalan ng boses at ma-confine sa ospital last weekend.
Masayang ibinalita ni Dennis Trillo na nakalabas na ng ospital ang kanyang rumored girlfriend na si Jennylyn Mercado matapos ma-confine nitong weekend nang mawalan ng boses.
Sambit ng aktor sa 24 Oras, “Sa trabaho natin, kailangang pangalagaan talaga ‘yung kalusugan dahil ‘yun ‘yung puhunan natin.”
WATCH: Jennylyn Mercado’s video while confined at the hospital
Sa parehong panayam ay nagkuwento rin ang aktor tungkol sa kanyang bagong proyekto sa Kapuso network at ang kanyang pagkapanalo bilang Best Actor sa 32nd PMPC Star Awards.
Aniya, magsisimula na siya ng taping sa Miyerkules para sa bagong series niya kasama si Heart Evangelista, ang Juan Happy Love Story.
“Doon sa mga eksenang binasa namin kanina talagang kahit kami na mismong kasama sa eksena, natatawa kami doon sa sitwasyon. Although hindi slapstick na nakakatawa, situational ‘yung mga comedies na mapapanood nila kaya maraming makaka-relate talaga,” wika ninya.
Magkahalong saya at gulat naman ang kanyang naramdaman nang maparangalan na Best Actor sa kanyang pagganap sa title role na Felix Manalo.
READ: Dennis Trillo, itinanghal na Best Actor sa 32nd PMPC Star Awards for Movies para sa pagganap sa Felix Manalo
“Sobrang saya lang ng pakiramdam na parang lahat ng pinaghirapan ko napansin nila. Lahat naman ng nominado talagang naghirap pero masaya lang ‘yung pakiramdam na napapansin nila ‘yung trabaho naming mga artista,” pahayag ni Dennis.
Video courtesy of GMA News