GMA Logo Dennis Trillo
What's Hot

Dennis Trillo, ibinida ang action scenes sa 'Hari ng Tondo'

By Marah Ruiz
Published September 29, 2026 3:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hiling ni Revilla na mag-inhibit si Assoc. Justice Miranda, tinanggihan ng Sandiganbayan
Tag-iya sa SUV nga Naka-Hit-and-Run, Nasubay na | Balitang Bisdak
TWICE's Tzuyu collaborates with Williams F1 team

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo


Ibinida ni Dennis Trillo ang tunay na stunts at practical effects sa 'Hari ng Tondo.'

Hanga si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa production ng upcoming action-drama series na Hari ng Tondo.


Bibida siya rito kasama si primetime action hero Ruru Madrid at iikot ang kuwento ng serye sa mga taong hinubog ng Tondo.

Nagbahagi si Dennis ng maikling behind-the-scenes video mula sa serye kung saan makikita ang ilang stunts at practical effects

Kabilang diyan ang ilang kuha mula sa rooftop, pagsakay niya sa motor, at pagtaob ng isang sasakyan sa daan.

"Hindi pa Uso ang AI sa Tundo!!!" sulat niya sa caption ng post.

@dennistrilloph Hindi pa Uso ang AI sa Tundo!!! #HaringTondo #fyp #foryoupage ♬ original sound - Dennis

Bukod kina Dennis at Ruru, bahagi rin ng serye sina Rocco Nacino, Ryza Cenon, Ysabel Ortega, Elle Villanueva, Arra San Agustin, Victor Neri, Nonie Buencamino, at Isko Moreno.

Si Enzo Williams naman ang magsisilbing direktor ng serye.

SILIPIN ANG STORY CONFERENCE NG 'HARI NG TONDO' DITO:


Samantala, kasalukuyang napapanood si Dennis Trillo bilang Crisostomo Ibarra sa rerun ng groundbreaking series na Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 4:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime!

Mapapanood din ito sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.