GMA Logo love before sunrise
What's on TV

Dennis Trillo, inilarawang 'magical' ang reunion nila ni Bea Alonzo sa 'Love Before Sunrise'

By Marah Ruiz
Published September 17, 2023 3:18 PM PHT
Updated September 19, 2023 11:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Thieves drill into German bank vault and make off with millions
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

love before sunrise


"Magical" daw para kay Dennis Trillo ang muling makatrabaho si Bea Alonzo sa 'Love Before Sunrise.'

Napa-reminisce si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa pagsisimula niya sa showbiz nang malamang makakatrabaho niya muli si multi-awarded actress and box office queen Bea Alonzo.

Bibida sina Dennis at Bea sa upcoming romance drama series na Love Before Sunrise na reunion project nila matapos ang 20 taon.

Parehong nagsimula ang dalawa bilang bahagi ng Batch 10 ng Star Circle ng dati nilang home network kaya napa-throwback si Dennis sa panahon nila doon.

"Parang sobrang magical ng pakiramdam para sa akin. Biruin mo, halos nagsimula kami ni Bea noon sa ABS-CBN. Sabay kaming nagwo-workshop, sabay kaming nagkaroon ng unang dance production sa TV, sabay kaming ni-launch, sabay kaming nagre-rehearsals. 'Tapos ito, after 20 years, gagawa naman kami ng isang napakagandang proyekto," pagbabalik-tanaw ni Dennis sa cinema screening at media conference ng Love Before Sunrise na ginanap noong September 16 sa SM Megamall.

Hanga daw si Dennis sa layo ng narating ni Bea sa kanyang career.

"Feeling ko, sobrang blessed ko and proud. Hindi naman kahit sino, nakakatrabaho ng isang Bea Alonzo kaya sobrang suwerte ko na nandito ako ngayon kasama 'yung mga magagaling na artista dito at siyempre si Bea," pahayag ng aktor.

Masaya rin daw si Dennis na isang malaking proyekto tulad ng Love Before Sunrise sila muling magkakatrabaho.

"Sobrang happy lang na nakatrabaho kita ulit and ito 'yung perfect project para gawin natin 'to," sambit ni Dennis kay Bea.

SILIPIN ANG MGA KAGANAPAN SA CINEMA SCREENING AT MEDIA CONFERENCE NG LOVE BEFORE SUNRISE DITO:

Ang Love Before Sunrise ay kuwento ng maraming "what ifs" ng dalawang taong nagkaroon ng "right love at the wrong time."

Si Dennis ay si Atom, habang si Bea naman ay si Stella. Paghihiwalayin sila ng magkakaibang sikumstansiya ng kanilang mga buhay pero muli silang magkikita matapos ang maraming taon.

Pareho silang may pagsisisi sa kanilang hiwalayan lalo na ngayong may sarisarili na silang mga asawa.

Ang Love Before Sunrise ang latest collaboration ng Philippine broadcast giant na GMA Network at Viu, leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service.

Huwag palampasin ang world television premiere ng Love Before Sunrise, September 25 sa GMA Telebabad. Maari ring mag-stream ng advanced episodes nito sa Viu simula September 23.