What's Hot

Dennis Trillo is 32nd PMPC Star Awards best actor for 'Felix Manalo'

By ANICA SAMODIO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2020 1:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tindera, nawalan ng P45K sa e-wallet dahil sa lalaking nag-‘cash in’ at nagpa-scan ng QR code?
Brgy chairman in Zarraga, Iloilo accused of r@ping teen
A new 'Heated Rivalry' book is coming this September

Article Inside Page


Showbiz News



Congratulations, Dennis!


Matagal nang nakakatanggap ng mga papuri si Dennis Trillo para sa kanyang very memorable na pagganap sa pelikulang Felix Manalo.

At kagabi isang validation sa lahat ng kanyang pagsisikap ang natanggap ni Dennis. 

Nagwagi si Dennis Trillo bilang best actor para sa pelikulang Felix Manalo na pinarangalan naman bilang Best Movie of the Year sa 32nd Philippine Movie Press Club Star Awards. Kahati ni  Dennis si Piolo Pascual para sa pinaka-mataas na parangal. Pagkatapos ng kani-kanilang acceptance speech nagkamay ang dalawa at binati ang isa't isa.

 

Dennis Trillo and Piolo Pascual tie for Best Actor Thank you sa pagmamahal at pag aalaga, kay Jennylyn, thank you very much #kiligmuch #denjen???????????????? #alloutforlove

A photo posted by hycinth (@cyndrc) on


Inalay ng Kapuso actor ang kanyang award sa lahat ng gumabay sa kanya sa pagsasabuhay sa isang dakilang Pilipino na si Felix Manalo.

"Para sa mga kapatid, kaanib, mga ministro na gumabay sa akin sa pag sasabuhay ng kwento ng isang dakilang Pilipino na dapat makilala ng bawat isa sa atin. Salamat sa Pelikulang ito dahil nakilala ko si Ka Felix Manalo," saad ni Dennis.

 

Para sa mga kapatid, kaanib, mga ministro na gumabay sa akin sa pag sasabuhay ng kwento ng isang dakilang Pilipino na dapat makilala ng bawat isa sa atin. Salamat sa Pelikulang ito dahil nakilala ko si Ka Felix Manalo????????????

A photo posted by @dennistrillo on


Nanalo din si Joel Lamangan bilang Movie Director of the Year at sina Edgar Marin Littaua, Joel Bilbao at Danny Red bilang Movie Production Designer of the Year para rin sa pelikulang Felix Manalo.

MORE ON DENNIS TRILLO:

Dennis Trillo starrer 'Felix Manalo' receives two Guinness World Records

GMAs new romantic comedy Juan Happy Love Story

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado spotted in Batanes