GMA Logo Dennis Trillo, Jennylyn Mercado family
Source: dennistrillo/IG
What's Hot

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, handa na bang pumasok sa showbiz ang mga anak?

By Kristian Eric Javier
Published March 24, 2026 1:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

4, patay sa away ng dalawang pamilya sa Iloilo City; 2 sugatan
Kodaline is coming to Manila for farewell tour
Fare hike for motorela in CDO OK’d

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado family


May isang kondisyon sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado bago tuluyang payagan ang mga anak na pumasok sa showbiz. Alamin rito.

Lumabas na sa ilang endorsements at commercials ang mga anak nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Sa katunayan, kamakailan lang ay ginawa nila ang ikalawa nilang family endorsement, ngayon, para naman sa juice drink na Tang. Ibig sabihin ba nito ay handa na ang dalawang Kapuso stars na pumasok ang mga anak nilang sina Calix, Jazz, at Dylan sa showbiz?

Sa panayam ng GMANetwork.com sa shoot location ng kanilang pinakabagong endorsement na ginawa sa Cruz Residence sa Valley Golf, Cainta, sinabi ng dalawa na papayag naman sila, pero sa isang kondisyon.

“Siyempre priority pa rin ng bawat isa is 'yung studies dahil napaka importante sa 'min nu'n na magtapos muna sila sa kanilang studies dahil napakahirap pagsabayin nu'ng dalawa,” sabi ni Dennis.

Aminado naman ang Kapuso Drama King na ngayon pa lang ay nakikita na nila ang interes sa kanilang mga anak na pasukin ang kanilang industriya. Kaya naman, kahit ano pa ang gustong gawin ng mga bata, basta't tapos na sa pag-aaral ay handa silang sumuporta.

Ito rin ang naging sagot ni Jennylyn, “Naku! Basta ang rule namin ni Dennis, napaka importante na matapos muna nila 'yung pag-aaral nila bago siguro magawa kung ano man 'yung gusto nilang gawin. Siyempre, darating 'yung oras na kailangan mo silang i-let go and kailangan mo silang suportahan sa lahat ng mga gusto nila sa buhay.”

Pagbabahagi pa ng Ultimate Star, kahit alam nilang mahirap ang show business at hindi basta-basta, handa silang suportahan ang kanilang mga anak. Ngunit pag-amin ni Jennylyn, meron pa ring kaba lalo na at hindi lang magagandang karanasan ang maaaring kaharapin nila sa pagpasok sa industriya.

Samantala, ipinahayag din ng dalawang Kapuso stars kung gaano sila ka-grateful sa pagkakataon na mabigyan ng pagkakataon na magkakasama silang buong pamilya sa kanilang pinakabagong endorsement.

“Well, siyempre napakasarap sa pakiramdam na may mga bagong grupo ng mga tao na nagbibigay ng tiwala hindi lang sa amin, kundi sa buong pamilya. Masarap 'yung pakiramdam na napakalaking tiwala itong binibigay nila,” ani Dennis.

KILALANIN ANG ILAN SA MGA CELEBRITY KIDS NA PARTE NA RIN NG SHOWBIZ NGAYON SA GALLERY NA ITO: