
Panibagong good vibes ang hatid ng celebrity couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa kanilang latest TikTok video.
Sa short video na uploaded sa TikTok account ni Jennylyn ngayong Sabado, December 14, mapapanood ang aktres na mahimbing na natutulog hanggang sa ipakita ni Dennis ang kanyang mukha na natatakpan pala ng mga buhok ni Jennylyn.
Matapos hawiin ang buhok ng aktres sa kanyang mukha, kinanta ni Dennis ang linyang, "Tell me how I'm supposed to breathe with no air," na mula sa hit song ni Jordin Sparks na "No Air."
"Long hair problems!" caption naman ni Jennylyn sa kanyang post.
@jenmercado15 Looooooooooooooooong hair problems!🙄 #goodvibes #jennylynmercado #dennistrillo #noair #longhair #nocopyrightinfringementintended #fyp #foryou ♬ original sound - Jen Mercado
Sa loob lamang ng dalawang oras, umani ng mahigit 247,000 views sa TikTok ang video na ito nina Dennis at Jennylyn.
Nakakuha rin ito ng mga nakatutuwang komento mula sa netizens tulad ng "Literal na no air hahaha," "I didn't expect Dennis to be there," at "Iba talaga 'tong mag-asawa na 'to... aliw."
Samantala, kasalukuyang napapanood si Dennis bilang Yuta Saitoh sa hit primetime series na Pulang Araw.
Abangan din ang aktor sa 2024 Metro Manila Film Festival entry Green Bones na mapapanood na sa mga sinehan simula December 25.
TINGNAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA DENNIS TRILLO AT JENNYLYN MERCADO SA GALLERY NA ITO: