
Kumpiramadong magiging bahagi ng isang upcoming movie si Kapuso Drama King Dennis Trillo.
Ito ang hindi pa pinapangalanang pelikula mula sa GMA Pictures, GMA Public Affairs, at Brightburn Entertainment na independent production company ni Dennis at ng kanyang asawa at kapwa Kapuso star na si Jennylyn Mercado.
Ibahagi ni Dennis sa kanyang Instagram account ang movie poster, kadikit ang isa pang litrato niya kasama sina award-winning director na si Zig Dulay, aktor at PBB alum na si Will Ashley, at child star na si Argus Aspiras.
Reunion project ito nina Dennis at Direk Zig na minsan nang nagkatrabaho sa critically-acclaimed movie na Green Bones.
Samantala, busy rin si Dennis sa bago niyang teleserye na Hari ng Tondo kung saan muli niyang makakatrabaho ang Green Bones co-star na si primetime action hero Ruru Madrid.
Iikot ang upcoming action-drama series sa mga taong hinubog ng Tondo.
Bukod kina Dennis at Ruru, bahagi rin ng serye sina Rocco Nacino, Ryza Cenon, Ysabel Ortega, Elle Villanueva, Arra San Agustin, Victor Neri, Nonie Buencamino, at Isko Moreno.
Si Enzo Williams naman ang magsisilbing direktor ng serye.
SILIPIN ANG STORY CONFERENCE NG HARI NG TONDO DITO: