GMA Logo Patawad Ama Ko on MPK
What's on TV

Dennis Trillo, may malagim na krimen sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published September 23, 2020 2:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Boy, 12, killed in firecracker blast in Tondo, Manila on Sunday night
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Patawad Ama Ko on MPK


Bibigyang-buhay ni Dennis Trillo ang isang lalaking makakagawa ng malagim na krimen matapos ang ilang taong pag-aabuso ng ama sa '#MPK.'

Si Kapuso Drama King Dennis Trillo ang bibida sa upcoming episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Dennis Trillo Magpakailanman


Tampok siya dito bilang si Samuel, na ilang taon nang tinitiis ang verbal abuse mula sa amang si Julian (Allan Paule).

Minsan kasi, kakaiba ang kinikilos ni Samuel kapag may "sumpong" itong dala ng kundisyon niya sa pag-iisip.

Lagi naman nakaalalay sa kanya ang nakababatang kapatid na si Charlie (Bruce Roeland).

Nang iwan si Samuel ng kanyang asawang si Ella (Ana de Leon), lalo pang lalaki ang lamat sa pagitan nina Samuel at Julian.

Isa ito sa magtutulak kay Samuel na patayin, lutuin at kainin ang kanyang sariling ama.

Ano ang haharapin ni Samuel matapos gawin ang malagim na krimen laban sa ama?

Alamin sa "Patawad, Ama Ko" ngayong Sabado, September 26, 8:00 pm sa '#MPK.'