
Ipinakilala na ang karakter ng Korean star na si Kim Ji-soo sa GMA Prime series na Sanggang-Dikit FR. Ginagampanan ni Ji-soo ang papel ni Woo, isang hired assassin.
Ayon sa aktor, sa action scenes siya pinaka nacha-challenge.
"Fight scenes are always hard and the hot weather really makes me [adjust]," sabi ni Ji-soo sa panayam ni Athena Imperial para sa 24 Oras.
Nakaranas na rin si Ji-soo ng fight scenes sa Philippine debut niya na Black Rider, pero iba raw ang atake ng pag-arte niya sa Sanggang-Dikit FR.
Aniya, "In the Black Rider, my character was kind of good. It protects someone. But here, he kills people for money. He's totally a bad guy."
Favorite daw niyang katrabaho sa Sanggang-Dikit FR ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo. Sabi niya, "He is really professional and very sweet. Some way, he's kind of funny. He's a good actor."
Samantala, nagkuwento naman si Dennis tungkol sa kanyang experience na makaeksena si Ji-soo.
Aniya, '"Nakaka-intimidate kasi syempre Korean star pero no'ng nakagawa na kami ng mga eksena, ang kulit din pala n'ya. Naka-adapt s'ya sa sistema ng mga Pilipino kung papaano gumawa ng mga teleserye."
Nakakasa na rin daw ang Tiktok entry nilang dalawa. "Naka-schedule na yung gagawin naming TikTok," sambit ni Dennis.
Panoorin ang buong ulat sa video sa itaas.
Mapapanood ang Sanggang-Dikit FR weeknights, 8:50 p.m. sa GMA at Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa GTV sa oras na 10:50 p.m.
Naging opisyal na Kapuso si Ji-soo noong August 2024 matapos pumirma ng kontrata sa talent management arm ng GMA na Sparkle.
Kasalukuyan din siyang napapanood sa GMA travel show na Be-Cool: The Express Adventure bilang host kasama sina Sassa Gurl, Richard Juan, at Bey Pascua.
Napanood din si Ji-soo ng seryeng Abot-Kamay na Pangarap, at sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang house guest.
KILALANIN PA ANG KOREAN ACTOR NA SI KIM JI-SOO SA GALLERY NA ITO.