GMA Logo dennis trillo and bea alonzo
What's Hot

Dennis Trillo, na-starstruck kay Bea Alonzo sa 'Love Before Sunrise'

By Marah Ruiz
Published September 23, 2023 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Scammers face up to 24 strokes of the cane in Singapore
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

dennis trillo and bea alonzo


Hindi raw napigilan ni Dennis Trillo na ma-starstruck kay Bea Alonzo sa mga eksena nila sa 'Love Before Sunrise.'

Matagal rin ang inintay nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at multi-awarded actress and box office icon Bea Alonzo bago sila nagkatrabaho .

Dahil dito, aminado si Bea na nakaramdam siya ng pagkailang kay Dennis sa araw ng taping ng bago nilang serye na Love Before Sunrise.

"But then we're professional actors so we got over that easily. We had to, to make the scene work. I just feel na nakatulong din 'yun, kasi nga sabi ko kanina, may sense of him being familiar to me. 'Yung tingin niya, 'yung hawak niya, somehow I feel familiar," pahayag ni Bea.

Inilarawan naman ni Dennis bilang "magical" ang kanilang reunion at hindi niya napigilang maging starstruck kay Bea tuwing may gagawin silang mga eksena.

"Siguro hindi mawawala 'yung ilang talaga. Pero ako, noong first day, talagang sobrang nerbiyos ko din. Sobrang kaba ako. Nasa-startruck ako everytime ka-eksena ko 'to, sa totoo lang," kuwento ni Dennis.

Dahil dito, lubos daw niyang pinaghahandaan ang mga eksena nila ni Bea.

"Kaya pag nasa taping ako, chine-check ko 'yung breakdown kung gaano karami 'yung eksena namin ni Bea. Ibig sabihin kailangan kong galingan doon sa eksena na 'yun," lahad ng aktor.

Hindi naman daw nagtagal bago nila nakuha ang tamang timpla nilang magkasama.

"Siyempre, Bea Alonzo, box office queen! Nakaka-pressure talaga na eksena siya. Napakagaling din. Ilang pelikula na rin 'yung napanood ko saka mga shows kaya nakakakaba 'yung experience. Pero once nakuha namin 'yung aming rhythm, 'yung aming camaraderie sa set, talagang naging maganda rin 'yung flow at naging kumportable," bahagi ni Dennis.

NARITO ANG EXCLUSIVE FIRST LOOK SA MGA KARAKTER NINA DENNIS TRILLO AT BEA ALONZO SA LOVE BEFORE SUNRISE:

Ang Love Before Sunrise ay mula sa GMA Entertainment Group at ito ang pangalawang serye na bunga ng historic collaboration ng GMA Network at Viu, ang leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service.

Kuwento ito ng maraming "what ifs" ng dalawang taong nagkaroon ng "right love at the wrong time."

Abangan sina Dennis Trillo at Bea Alonzo sa world television premiere ng Love Before Sunrise sa Lunes, September 25, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, Pinoy Hits at I Heart Movies. May same-day replay rin ito sa GTV, 10:50 p.m. Stream on Viu anytime, anywhere starting September 23.