Article Inside Page
Showbiz News
Ang reaksyon ni 'Hiram na Alaala' leading lady Kris Bernal: 'Hindi ko talaga kinaya!"
By MICHELLE CALIGAN

Sa November 6 episode ng
Hiram na Alaala ay pinalabas ang
bed scene nina Dennis Trillo at Kris Bernal, na gumaganap bilang Ivan at Andrea. Bago pa man ito umere ay naikuwento na nina Dennis at Kris kung paano nila pinaghandaan at kinunan ang naturang eksena.
"Two days ago, nag-shoot kami ng bed scene ni Dennis. Naka-bandeau lang ako at super shorts. Siyempre medyo conscious ako, andito lang siya [sa tabi ko]. Siyempre medyo nahiya ako sa katawan ko. Kunwari pa-sweet lang ako. Hindi pa take, rehearsal pa lang, naka-ganyan lang ako [tinatakpan ang katawan], pero nang take na, talagang ganyan (laughs)," nakakatawang pagkukuwento ni Kris sa bloggers na bumisita sa kanila sa taping.
Aniya, hindi raw niya alam kung paano gawing sexy ang sarili sa nasabing kasuotan. "Siyempre hindi naman ako lumalabas ng naka-ganun eh."
Lalong humanga ang aktres sa kanyang kapareha dahil sa pagiging maalaga nito sa mga eksena. "Hindi naman kami nag-usap, pero ang galing-galing niya. Ang alaga niya. Mukha talaga siyang intimate pero sa totoo lang, dampi-dampi lang naman."
Ano naman ang naging reaction niya nang maghubad si Dennis nang mag-take na?
"Nang pinahubad 'yung pants niya, talagang diyan lang sa harap ko. Tapos kunwari 'Ay ano ba 'yan?' Tapos na ba?' (laughs). Ganun pa ako. Talagang naghubad siya doon sa harap ko, hindi ko talaga kinaya!"
Masaya naman si Dennis na mas comfortable na ngayon si Kris sa kanya as compared sa nauna nilang intimate scenes.
"Mas comfortable na siya kaysa noong first time talaga naming kinunan 'yung simple na kissing scene, 'yung sa hospital, kasi na-take namin 'yun mas maaga pa. Noong two days ago, mas naramdaman ko na mas comfortable siya dahil siguro mas nakakapag-usap na kami, mas palagay na ang loob niya."